^

Metro

Salvage victim, itinapon sa tulay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng  summary execution  ang natagpuan sa ibabaw ng isang tulay sa Navotas City, kamakalawa.

Inilarawan ang bangkay na walang damit pang-itaas, nakasuot ng shorts, at nakabalot ang buong mukha ng packaging tape.

Nabatid na nadiskubre ang bangkay ng isang tricycle driver dakong alas- 5 ng madaling araw sa may C-3 Bridge sa kahabaan ng C-3 Road, Virgo Drive, Brgy. North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod.

Sa pagsusuri ng NPD- Scene of the Crime Operatives (SOCO), tinatayang nasa pagitan ng edad 30-35 anyos ang biktima, katamtaman ang panga-ngatawan, may taas na 5’3” at tadtad ng tattoo ang buong katawan.

Nagtamo rin ito ng dalawang saksak sa balikat at may marka ng pagbigti sa leeg.

Blangko naman ang pu­lisya sa pagkakakilanlan ng mga salarin dahil sa kawalan ng testigo.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BLANGKO

BRGY

INILARAWAN

ISANG

NABATID

NAGTAMO

NAVOTAS CITY

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with