^

Metro

Bebot na police asset, itinumba

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Natagpuang patay ang isang babae na may tama ng bala sa ulo at hinihinalang itinumba ng isang sindikato ng iligal na droga, kahapon ng madaling araw. Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima na inilarawang nasa 25-30 taong gulang, nasa 5 talampakan, nakasuot ng itim at pulang stripes na jacket, abuhing pantalon, at asul na tsinelas.

Sa ulat ng Malabon City Police, dakong ala-1:28 ng madaling araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima malapit sa Maynilad Meters, Bahay Sandigan, Block 17 Langaray St., Brgy. Longos, ng naturang lungsod. Ayon sa mga saksi, huling nakita ang biktima kamakalawa ng gabi habang kasama sa naturang barangay ang ilang kaibigang mga tomboy.

Nabatid na kilalang sangkot umano sa operasyon ng iligal­ na droga ang biktima na nagsisilbing “middleman” sa mga transaksyon ngunit kasabay nito ay asset rin umano ito ng pulisya­ laban sa mga tulak. Narekober ng mga tauhan ng Police­ Community Precinct 3 ang isang cartridge ng kalibre .45 na baril habang nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa ulo.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BAHAY SANDIGAN

BRGY

COMMUNITY PRECINCT

LANGARAY ST.

LONGOS

MALABON CITY POLICE

MAYNILAD METERS

NABATID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with