^

Metro

Mister todas sa lover ni misis

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang waiter ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng lover ng kanyang misis, kamakalawa sa  Maynila.

Hindi na naisalba pa ng mga doktor sa Medical Center Manila (MCM) ang biktimang si Carlito Tazarte, 37, ng Batangas Lane, Paco dahil sa tinamong mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Mabilis namang nakatakas ang suspek na nakilalang si Jefferson Latinazo, 25, ng Tondo, Maynila.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, ala-1:15 ng madaling araw kamakalawa nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Crisolita St., San Andres Bukid.

Hindi inaasahang magtagpo sa isang inuman ang biktima at suspek. Tila nagkaroon ng pagkakataon si Latinazo na isagawa ang pagpatay dahil na rin sa  mga balita na kanyang  nasasagap.

Dito ay agad na inundayan ng saksak ni Latizano ang biktima at saka mabilis na tumakas gamit ang isang motorsiklo.

Sa pahayag naman ni Rowena, 33, misis ng biktima bagama’t matagal na silang hiwalay ay nagkakausap pa rin naman sila ng biktima dahil may anak silang dalagita. Kasalukuyan ay kalive-in umano niya ang suspek.

Posible umanong ikinagalit ng suspek sa biktima ay ang pagpupursige ng huli na makabalikan si Rowena na hindi naman matanggap ng una.

vuukle comment

ANG

BATANGAS LANE

CARLITO TAZARTE

CRISOLITA ST.

JEFFERSON LATINAZO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARLON SAN PEDRO

MAYNILA

MEDICAL CENTER MANILA

ROWENA

SAN ANDRES BUKID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with