^

Metro

Kelot, tinodas habang nagtatanghalian

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi na natapos ng isang lalaki ang kanyang huling tanghalian nang pagbabarilin ng isa sa dalawang lalaki sa loob ng isang karinderya sa Navotas City, kama­kalawa ng tanghali. Nakilala ang nasawi na si Christopher Villamor, 21, at residente ng No. 147 Pitong Gatang Street, ng naturang lungsod.

Agad namang nakatakas ang dalawang hindi pa nakikilalang salarin. Sa ulat, kumakain ng kanyang pananghalian sa isang karin­derya sa may Estrella St., Brgy. Tañong, ang biktima dakong alas-12:10 ng tanghali nang biglang dumating ang dalawang suspek.

Walang sabi-sabing pi­nag­babaril ng ma­lapitan ng isa sa mga salarin ang biktima habang nagsilbing look-out ang isa pa. Agad na nasawi sa lugar ng krimen si Villamor dahil sa dalawang tama ng bala sa ulo at isa sa katawan. Blangko naman ang pulisya sa motibo ng pamamaslang.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

BLANGKO

BRGY

CHRISTOPHER VILLAMOR

ESTRELLA ST.

NAKILALA

NAVOTAS CITY

PITONG GATANG STREET

VILLAMOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with