^

Metro

Ginang utas sa saksak ng ka-live-in

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 25-anyos na babae nang magdilim ang paningin ng kaniyang live-in partner sa gitna ng kanilang pag-aaway sa Binondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ang biktimang si Anabelle Merin, ng Barangay 105, Zone 8, Happyland,Tondo, Maynila dahil sa tinamong saksak sa dibdib.

Hindi na nagawa pang tumakas ng suspek na si Luis Santos Jr., 27, miyembro ng ‘Commando Gang’ na ina­butan ng mga awtoridad habang naglalakad papalayo sa crime scene.

Sa ulat ni SPO3 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 12:30 ng mada-ling-araw nang magtalo ang dalawa sa tapat ng “isang pawnshop sa Asuncion St., sa Binondo, Maynila.

Pinuntahan umano ng biktima ang suspek sa lugar at doon ito binungangaan.

Noong una ay inambahan lang ng suspect ng patalim ang ginang. Gayunman, patuloy pa rin umano ito sa kadadaldal   at binubugbog pa umano ang suspect kaya nagawa umano ng suspect na maitarak ang patalim sa katawan nito.

  Ayon pa sa suspek, hindi niya akalaing nasaksak niya ang biktima dahil puyat sa pagbi-biyahe ng side car at pagod sa magdamag.

Paliwanag pa ng suspek, bukod sa madalas nilang pag-aaway at pagseselos ng biktima ay pinagbantaan siya nito na kung hindi mapapatay ay titiyaking ipakukulong.

May insidente pa umano na inaway ng biktima ang ina ng suspek at sinapak sa mukha kaya hindi na umano tumutulong sa kaniyang pamilya ang magulang.

Dalawa umano ang anak ng suspek sa biktima na nasa pangangalaga ng ina ng huli. 

 

vuukle comment

ANABELLE MERIN

ANG

ASUNCION ST.

BINONDO

COMMANDO GANG

JUSTICE JOSE ABAD SANTOS GENERAL HOSPITAL

LUIS SANTOS JR.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MILBERT BALINGGAN

UMANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with