^

Metro

Rider sumalpok sa concrete barrier, todas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang motorcycle rider nang mahulog ito sa kanyang motorsiklo matapos sumalpok sa railings sa may Aurora Blvd. flyover sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Traffic Sector 4, nangyari ang insidente sa may Aurora Flyover sa Lantana St., Brgy. Immaculate Concepcion, ganap na alas 5:55 ng umaga kung saan sangkot ang biktima na si Jonathan Tobias, 31, ng Bagong Barrio, Caloocan City.

Diumano, sakay ng kanyang Sym motorcycle na for registration ang biktima at binabaybay ang kahabaan ng EDSA patungong Manila nang pagsapit sa nasabing lugar ay aksidenteng tumama ito sa railings ng flyover at mahulog sa kanyang motorsiklo bago tumama ang katawan sa sementadong kalsada.

Sa tindi ng pagkakabagsak ay nagtamo ng matinding injury sa katawan at ulo ang biktima. Sinikap namang iligtas ang biktima ng mga rescue team, at naidala sa ospital subalit nabigo na rin ang mga ito.

Ayon sa TS4, ito na ang ika-apat na aksidenteng nangyayari sa motorsiklo na kanilang nahahawakan kung kaya muli silang nagpa-alala sa mga riders na doblehin ang pag-iingat.

 

vuukle comment

ANG

AURORA BLVD

AURORA FLYOVER

AYON

BAGONG BARRIO

BRGY

CALOOCAN CITY

IMMACULATE CONCEPCION

JONATHAN TOBIAS

LANTANA ST.

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-TRAFFIC SECTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with