^

Metro

2nd AlkanSSSya ni Joy Belmonte, inilarga

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot sa mahigit 400 indibidwal na pawang mga empleado at mga kasapi ng Community organizations, Pedicab Associations at Tricycle Associations sa Quezon City ang nakinabang sa ikalawang AlkanSSSya Support Program ni QC Vice Mayor Joy Belmonte sa pakikipag-tulungan ng Social Security System (SSS) sa QC Memorial Circle Basketball ground kahapon.

Sa ilalim ng programa na nailunsad noong 2012, iniengganyo nito ang lahat ng informal sec­tor workers at iba pang indibidwal na walang buwanang sahod tulad ng mga miembro ng asosasyon gaya ng TODA, market vendors at iba pa na makapagta­bi ng kahit konting bahagi ng kanilang kita at makabayad ng kanilang SSS premiums upang mapabilang sa mga SSS members na nakakatanggap ng mga benepisyong tulad ng medical, maternal, partial–total disabi-lity, retirement-pension, death, funeral grant at loan assistance.

“Sana ang bigay sa inyong alkansiya ay maging daan ng maayos niyong pamumuhay, ituloy ang pagtatabi ng pera dahil para sa pamilya niyo yan,” pahayag ni Vice Mayor Belmonte sa harap ng mga benepisyaryo ng naturang programa.

Sinasabing sa isang tricycle driver ay maaari lamang maglagay ng P10 kada araw sa kanilang alkansiya na nakalagak sa kanilang terminal na sapat na para makaipon ng P285 monthly due para sa kanillang kontribusyon.

Noong October 18, 2013 isang TODA summit ang pinangunahan ni Belmonte kung saan 750 indibidwal mula sa ibang mga TODA organizations sa QC ang sumailalim sa programa.

49 units ng alkansiya ang pinagawa sa SSS  na nai-donate ni Belmonte sa unang batch ng programang AlkanSSSya program sa QC.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BELMONTE

MEMORIAL CIRCLE BASKETBALL

MGA

NOONG OCTOBER

PEDICAB ASSOCIATIONS

QUEZON CITY

SOCIAL SECURITY SYSTEM

SUPPORT PROGRAM

TRICYCLE ASSOCIATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with