^

Metro

8 wanted arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinalakas ng Northern Police District ang paghahabol sa mga kriminal na pinaghahanap ng batas nang maaresto ang walong wanted sa isinagawang serye ng operasyon.

Sa mga ulat na ipinadala kay NPD Director, Chief Supt. Eric Serafin Reyes, isa sa naaresto ay ang Top 6 Most Wanted ng Malabon City Police na si Joseph Taquiqui, 26, nahaharap sa kasong qualified theft.

Nadakip si Taquiqui sa bisa ng warrant of arrest nang galugarin ng pulisya ang pinagtataguan nito sa San Fabian, Kayapa­ sa Nueva Vizcaya, kamakalawa ng hapon.

Nadakip rin ng Malabon City Police si Ejay Ramirez, 21, ng Dampalit, Malabon City at nahaharap sa kasong panggagahasa.

Sa ulat naman ng Valenzuela City Police, naaresto sa ikinasang mga operasyon sina Recan Mollejon, 35, ng Lawang Bato, Valenzuela, may kasong reckless imprudence resulting to da­mage to properties; Olivia Mora, ng Tuguegarao City; Ruben Estillero, 53, ng Lana Subdivision, Valenzuela, kapwa nahaharap sa paglabag sa Batas Pambansa 22; at si Noemi Luis Angela Carranza, ng Bignay, Valenzuela, at may kasong unjust vexation.

Sa ulat naman ng Navotas City Police, naaresto sa kani­lang operasyon sina Antonio Gabani Lacaba, 55, ng San Jose, Navotas, may kasong paglabag sa Batas Pambansa 6 at si Junard Santos, 31, ng Muzon, Malabon City at may kasong pang­gagahasa. Sinabi ni Reyes na ang pagpapa­lakas sa pag­hahanap sa mga wanted sa batas ay prayoridad ngayon ng pulisya.

vuukle comment

ACIRC

ANTONIO GABANI LACABA

BATAS PAMBANSA

CHIEF SUPT

CITY

EJAY RAMIREZ

ERIC SERAFIN REYES

JOSEPH TAQUIQUI

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

VALENZUELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with