^

Metro

3 sasakyan nakarnap sa Pasig at San Juan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong sasakyan ang natangay ng mga karnaper sa loob lamang­ ng limang oras na naganap sa magkahiwalay na lugar sa Pasig City at San Juan City, kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa mga nakarnap na sasakyan ay isang L300 Mitsu­bishi pick-up (TMD-679) na pagmamay-ari ni Ma. Wilves Guillarte­; isang Suzuki Raider (OW8216) at isang Suzuki raider (NC30052), na ang mga may-ari ay tumangging magpalathala ng kanilang pangalan.

Batay sa ulat ng mga awtoridad, unang nakarnap sa pagitan ng alas-4:00 ng hapon at alas-9:00 ng gabi ang dalawang Suzuki Raider habang nakaparada sa Brgy. Maybunga at Brgy. Palatiw sa Pasig City.

Dakong alas-9:00 naman ng gabi nang sumunod na ma­karnap ang pick-up habang nakaparada sa Hardboard St., corner P. Guevarra St. sa San Juan City.

Ipinarada lamang ng mga may-ari ang kanilang mga behikulo sa mga naturang lugar ngunit nang balikan ay wala na ang mga ito.

Iniimbestigahan naman ng mga awtoridad ang insidente para sa posibilidad na mabawi ang mga behikulo at maaresto ang may kagagawan ng pangangarnap sa mga ito.

vuukle comment

BRGY

GUEVARRA ST.

HARDBOARD ST.

PASIG CITY

SAN JUAN

SAN JUAN CITY

SUZUKI RAIDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with