^

Metro

5 miyembro ng ‘Sahid Utto gang’ timbog: P1M shabu nasamsam

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umiskor ang mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) matapos masakote ang limang miyembro ng ‘Sahid Utto gang’ na nagresulta rin sa pagkakasamsam ng P1- M halaga ng shabu sa raid sa Brgy. Napindan, Taguig City kahapon ng umaga.

Kinilala ni PNP-CIDG Chief P/ Director P/Benjamin Magalong ang mga nasakoteng suspect na sina Roger  Ortiz; Abdullah Banog; Ronnie Imbalgan; Jun-jun Panday at Dodoy Toling.

Sinabi ni Magalong bandang alas- 5 ng umaga ng magsagawa ng raid ang mga operatiba ng PNP-CIDG sa hideout ng mga suspect sa Block 1, Lot 16, C6 Road , Brgy. Napindan, Taguig City .

Ayon kay Magalong ang raid ay alinsunod sa apat na search warrant laban kay Mads Utto, ang lider ng grupo na sangkot sa ibat-ibang kriminal na aktibides at tatlong iba pa na inisyu ng korte ng lungsod.

Inihayag ni Magalong na ang grupo ni Utto ay sangkot sa gun-running, gun –for –hire, pagbebenta ng droga, robbery /holdup nago-operate sa mga lungsod ng Pasig, Taguig at iba pang lungsod sa Metro Manila gayundin sa Taytay, Rizal at mga kanugnog nitong lugar.

Nasamsam sa pag-iingat ng mga suspect ang isang bulto ng shabu na nagkakahalaga ng P 1 milyon, isang improvised na shotgun, dalawang units ng cal . 45 pistol  na may magazine at sari-saring mga bala, P 6,200 cash na kinita ng mga ito sa kanilang illegal na aktibidad at iba pa.

Nakuha rin sa mga ito ang PNP badge na pag-aari ng isang nasawing pulis na ginagamit ng mga ito sa kanilang illegal na operasyon.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165  o Comprehensive Dangerous Drugs Act at RA 10591  o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act .

vuukle comment

ABDULLAH BANOG

BENJAMIN MAGALONG

BRGY

CHIEF P

COMPREHENSIVE FIREARMS AND AMMUNITION REGULATION ACT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

MAGALONG

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with