^

Metro

Buhat kay Mayor Duterte 2 tipster na naging susi sa pagkadakip sa killer ni Enzo, tumanggap ng P1-M reward

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binigyan kahapon ng P1-M reward ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang dalawang tipster na nagbigay ng impormasyon sa PNP at nagsilbing susi sa pagkakalutas sa kaso ni car racing champ Ferdinand “Enzo “ Pastor na pinaslang sa Quezon City noong Hunyo ng taong ito.

Si Duterte ay personal na nagtungo sa Camp Crame na matapos dumalo sa flag raising­ ay iginawad ang nasabing reward sa dalawang masuwerteng tipster.

Ang dalawang informer ang siyang nagbigay ng tip sa mga pulis na nagresulta sa pagkakadakip sa  detenidong si PO2 Edgar Angel, miyembro ng Pasay City Police na itinurong gunman ni Pastor.

Nabatid na kaibigan ni Duterte si Pastor kaya ng mabatid ang pagkamatay ng car racing champion ay agad itong naglaan  ng isang milyong reward sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa  ikareresolba ng kaso.

Si Angel ay nauna nang umamin sa krimen pero habang nililitis sa korte ang kaso ay binawi nito ang kanyang naunang testimonya.

Ayon pa kay Duterte na ang pagbaliktad ni Angel sa kaniyang naunang testi­monya ay  malinaw na gimmick lamang ng defense panel na humahawak ng kaso nito.

Magugunita na ilang araw matapos na maaresto sa ope­rasyon sa Quezon City noong Agosto 23 ay inamin ni Angel na siya ang gunman ni Pastor kung saan ipinatumba lamang umano ito sa kaniya ng ne­gosyanteng si Domingo “Sandy” de Guzman.

Si De Guzman ay una nang napaulat base sa testimonya ng testigo na umano’y lover ng misis ng car racer na si Dalia Guerrero Pastor kung saan may kinalaman umano sa bawal na relasyon ng mga ito ang krimen.

Magugunita na si Pastor ay pinagbabaril at napaslang  sa naganap na ambush ng motor­cycle rider sa panulukan ng Congressional at Visayas Avenue sa Quezon City noong Hunyo 12 , 2014.

vuukle comment

CAMP CRAME

DALIA GUERRERO PASTOR

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

EDGAR ANGEL

HUNYO

MAGUGUNITA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with