^

Metro

Cherry Pie, nagpasaklolo sa NBI

Edu Punay - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinimulan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang parallel probe kaugnay sa pagkapaslang sa nanay ng aktres na si Cherry Pie Picache noong nakalipas na linggo.

Ito’y ma­tapos na dumulog kahapon ang aktres sa tanggapan ng NBI para personal na hingan ng tulong ang bureau sa ikalulutas sa kasong pagpaslang sa kanyang ina.Nagbigay na rin ito ng sworn statement na basehan ng bureau sa kanyang formal complaint para sa imbestigasyon sa kasong pagpaslang sa ina ng aktres na si Zenaida Sison sa kasagsagan ng ma­lakas na pag-ulan at bagyo noong nakalipas na Biyernes.

Kahapon din ay agad na tinungo ng NBI ang bahay ni Sison kung saan naganap ang krimen para sa pasimula ng kanilang imbestigasyon.

vuukle comment

BIYERNES

CHERRY PIE PICACHE

KAHAPON

NAGBIGAY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SINIMULAN

SISON

ZENAIDA SISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with