^

Metro

Luxury car, inabandona sa San Juan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malinis o hindi sangkot sa anumang krimen ang isang mamahaling kotse na basta inabandona  sa gilid ng kalsada sa San Juan City nitong Lunes. Pansamantalang ikinostodiya ng San Juan Police ang bagong Porsche Cayenne na natagpuang abandonado sa gilid ng kalsada sa Connecticut sa Greenhills nang matagpuan. Martes naman ng umaga nang dumating ang mga kinatawan ng BDO Car Rental na siyang may-ari ng kotse upang kuhanin ito matapos na mabigyan ng clearance mula sa PNP-Highway Patrol Group.

Ayon kay SPO1 Arnulfo Arsales, imbestigador ng San Juan Police, sa record ng BDO Rental Incoporated, naka-lease ang sasakyan sa UR-Value Corporation. Mismong ang pangulo ng korporasyon na si Francisco Mendoza ang gumagamit ng sasakyan subalit habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa umano siya natutunton. Palaisipan ngayon sa pulisya kung bakit iniwan na lamang ang kotse sa parking lot sa Connecticut. Mahigit P140,000 umano ang buwanang renta sa Porsche Cayenne.

vuukle comment

ARNULFO ARSALES

AYON

CAR RENTAL

FRANCISCO MENDOZA

HIGHWAY PATROL GROUP

PORSCHE CAYENNE

RENTAL INCOPORATED

SAN JUAN CITY

SAN JUAN POLICE

VALUE CORPORATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with