^

Metro

Mag-asawa patay sa ‘Akyat bahay’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kapwa patay ang mag-asawang lolo at lola maka­raang pagsasaksakin ng dalawang pinaniniwalaang ‘Akyat bahay gang’ na nanloob sa kanilang bahay, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Agad na nasawi ang 74-anyos na si Herminigildo Suarez, ng La Forteza Subdivision, Brgy. 175, Camarin, ng naturang lungsod, dahil sa tinamong mga tama ng saksak, habang naisugod pa sa Bernardino Hospital ang misis nitong si Rosalina, 75, ngunit nalagutan rin ng hininga.

Hawak naman ngayon ng pulisya ang isa sa mga suspek na nakilalang si Efren Camposano habang pinag­hahanap pa ang kasamahan na nakilala lamang sa alyas na Berber.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:50 nang magising ang mag-asawang Suarez nang marinig nilang humihingi ng saklolo ang kasama sa bahay  na 13-anyos na Nene.   

Dito umano agad na sina­lakay ng suspect na si Berber ang dalawang matanda at saka pinagsasaksak. Nagawa namang makalabas ng bahay ng dalagita at nagsisigaw ng saklolo sa mga kapitbahay.

Nagawang maaresto ng mga residente at tanod si Camposano habang nakatakas si Berber na siyang itinuturong sumaksak sa dalawang matanda. 

Ayon sa pulisya, na pagnanakaw ang motibo ng pagpasok sa bahay bagama’t may akusasyon na tinangka ring gahasain ng mga ito ang dalagitang biktima.

vuukle comment

AKYAT

AYON

BERNARDINO HOSPITAL

BRGY

CALOOCAN CITY

CAMPOSANO

EFREN CAMPOSANO

HERMINIGILDO SUAREZ

LA FORTEZA SUBDIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with