^

Metro

Mister tinarakan ng bayaw

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kritikal ngayon ang buhay ng isang lalaki makaraang pagsasaksakin ng kanyang bayaw na sumaklolo sa panggugulpi sa kapatid nitong babae, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Isinugod sa Manila Central University Hospital ang biktimang si Bethelben Juat, 36, pedicab driver, habang pinaghahanap naman ang tumakas na suspek na si Reynaldo Mallo, 37, obrero, at kapwa residente ng Lansones St., Brgy. Potrero, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Malabon City Police, naganap ang pananaksak dakong alas-11 ng gabi sa loob ng bahay ng biktima. 

Nabatid na bumisita si Mallo sa kanyang kapatid na babae na kinakasama ni Juat at naabutan ang dalawa na nag-aaway.

Tinawag ni Mallo ang kanyang bayaw para kausapin ngunit nang lumabas ito ng bahay ay bigla na lamang inunda­yan ng saksak ng dalang patalim saka tumakas.

Nagsagawa naman kaagad ng follow-up ope­ration ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 2 subalit nabigo silang madakip ang suspek.

 

vuukle comment

BETHELBEN JUAT

BRGY

LANSONES ST.

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

MALLO

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

POLICE COMMUNITY PRECINCT

REYNALDO MALLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with