^

Metro

Lolo umawat sa nagwawalang kapitbahay, pinatay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinatay sa saksak ang isang 64-anyos na lolo ng lasing nitong kapitbahay matapos na umawat ang una sa huli na nanghahabol ng saksak, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Namatay habang gina­gamot sa Pasay City Ge­neral Hospital ang biktimang si Cesar Velasco, nakatira sa Apelo Cruz St., sanhi ng isang  saksak sa tiyan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si  Ricky Logro, 31, nakatira sa nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Cris Gabutin,  ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-9:30 ng gabi sa Apelo Cruz St., sa naturang siyudad.

Bago naganap  ang in­sidente, nagdaraan sa naturang lugar sina Destiny del Rosario, 21, isang entertainer sa isang club sa Pasay City at ang tomboy na kaibigan na si Arita Velasco, 18, patungo sana sa isang birthday party.

Lasing umano ang suspek nang tawagin nito si Del Rosario na mistulang binabastos kaya’t binalikan siya ng dalawa upang komprontahin.

Kumuha umano ng patalim si Logro at hinabol ng saksak ang dalawa kaya’t inawat siya ni Velasco na nakasaksi sa pangyayari.

Sa halip na paawat, pi­nagbalingan ng suspek si Velasco at inundayan ng saksak sa tiyan.

Matapos isagawa ang pananaksak ng suspek ay mabilis itong tumakas habang ang biktima naman ay mabilis na dinala sa nabanggit na ospital ng kanyang mga kaanak, subalit binawian din ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

vuukle comment

APELO CRUZ ST.

ARITA VELASCO

CESAR VELASCO

CRIS GABUTIN

DEL ROSARIO

PASAY CITY

PASAY CITY GE

PASAY CITY POLICE

RICKY LOGRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with