^

Metro

Bangkay lumutang sa Manila Bay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumutang sa Manila Bay na nasasakupan ng Navotas ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na hinihinalang biktima ng “summary execution”   kamakalawa ng umaga.

Inilarawan ang  bangkay na may taas na 5’4”, nasa pagitan ng edad na 28-30 anyos, may tattoo na “Sputnik” sa kanang balikat at nakasuot lamang ng striped na short pants.

Nabatid sa ulat na nangingisda si Alex Careg, ng P. Tuazon­ Tabing Dagat, San Jose, Navotas City nang tumama sa kanyang bangka ang bangkay. 

Sa pagsusuri ng mga imbestigador, nagtamo ang biktima ng isang butas buhat sa bala ng baril sa kanang sentido na tumagos sa kaliwang tenga.  Naaagnas na rin ito nang matagpuan.

Hinala ng pulisya, maaaring pinaslang sa ibang lugar sa Metro Manila ang biktima at itinapon sa dagat kung saan naanod lamang sa lungsod ng Navotas.

 

vuukle comment

ALEX CAREG

HINALA

INILARAWAN

LUMUTANG

MANILA BAY

METRO MANILA

NAVOTAS

NAVOTAS CITY

SAN JOSE

TABING DAGAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with