^

Metro

Rider utas sa aksidente

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - 
Isang 49-anyos na motocycle rider ang nasawi dahil sa pagkawasak ng ulo nang maaksidente sa northbound lane ng Nagtahan Bridge, sa Pandacan, Maynila, kahapon ng tanghali .


Dead on arrival dakong alas 11:52 ng tanghali , kahapon nang isugod ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Alejo Arconsensil, 49, residente umano ng Pandacan, Maynila.
        

Naabutan pang may pul­so ang biktima nang respondehan sa gitna ng kalye subalit sa sobrang dami ng tagas ng dugo sa ulo at mukha ay hindi na rin umabot ng buhay sa ospital.


Wasak din ang suot na helmet ng biktima na hinihinalang bumangga sa konkretong center island ng Nagtahan Bridge.
 

Isang  trailer truck driver naman na kinilalang si Ramon Salvio ang iniimbestigahan pa, subalit tumatanggi na siya ang responsable sa pagkakabangga sa motorsiklo, sa depensang hinintuan lamangniya ito dahil may nakapagsabi din sa kaniya na kasalubong na motoristang may naaksidenteng motorsiklo na nasa likuran niya.


Gayunman, sa blotter ng Manila Police District-station 10, sinabi ni SPO2 Josecce Saturnino, rumesponde naman ang kanilang grupo suba­lit hindi na dinatnan ang biktima dahil nadala na sa pagamutan.


Sa inisyal nilang imbestigasyon, sumabit sa likurang gulong ang motorsiklo kaya nakaladkad at bumangga sa center island.

Dinala na sa Manila Traffic Bureau ang itim na Yamaha Vega  motorcycle na minamaneho ng biktima at ang trailer truck at driver na sangkot sa insidente.

 

vuukle comment

ALEJO ARCONSENSIL

ANA HOSPITAL

ISANG

JOSECCE SATURNINO

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA TRAFFIC BUREAU

NAGTAHAN BRIDGE

UML

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with