^

Metro

Kasambahay ipinadakip ng amo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang 29- anyos na kasambahay na pinaghihinalaang tumangay ng dalawang high end na relo ng among Fil-Chinese, sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.

Natunton sa bahagi ng Quezon City ang suspect na si Lea Calixto,   na nasa kustodiya na ngayon ng MPD- Theft and Robbery Section .

Nabatid na pormal na nagharap ng reklamo sa nasabing tanggapan ang amo at negosyanteng si Milton Lim, 46, ng Sta.Cruz, Maynila.

Sa reklamo, dalawang Rolex watch na nagkakahalaga umano ng P950,000.00 ang nawawala sa silid ng biktima.

Isang kasambahay na si Remedios Vergara, 40, ang nagsabi sa biktima na nakita niyang pumasok ang suspect sa silid ng amo, dakong ala-1:00 ng hapon ng nasabing petsa na umalis ng bahay ng amo at hindi na nagbalik, gayung stay-in ito.

Nang magtanung-tanong sa kakilala, natunton ang suspect na nagtatago sa isang bahay sa lungsod Quezon kung saan ito tinugis at na­dakip ng mga awtoridad kamakalawa.

vuukle comment

CRUZ

FIL-CHINESE

ISANG

LEA CALIXTO

MAYNILA

MILTON LIM

QUEZON CITY

REMEDIOS VERGARA

THEFT AND ROBBERY SECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with