^

Metro

Market inspector, itinumba ng 2 armado

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang inspector ng pampublikong palengke ang pinagbabaril at napatay sa Barangay Commonwealth kahapon ng umaga, ilang araw matapos na paslangin din ng dalawang armado ang kasamahan nitong ginang na market collector sa lungsod Quezon.

Ayon sa inisyal na ulat ng Quezon City Police Station 6, nakilala­ ang biktima na si Roger Pineda, 38,  market ins­pector sa Commonwealth Market, sa Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Bukod kay Pineda, sugatan din ang apat na taong gulang na si Kate Winslet Villena, matapos talsikan ng basyo ng bala sa gilid ng kanyang kanang mata. Agad din itong dinala sa malapit na clinic para malapatan ng lunas.

Sabi ni PO3 Laila Agati ng Police Station 6, si Pineda ay pinagbabaril ng dalawang lalaki na kapwa armado ng kalibre 45 baril.

Nangyari ang insidente sa may looban ng Steve St., ganap na alas- 9:45 ng umaga. Diumano, kagagaling lamang umano ng biktima sa loob ng palengke kung saan siya nagtatrabaho at naglalakad papauwi sa naturang lugar nang biglang lapitan ito ng dalawang suspect at pagbabarilin.

Matapos ang pagpatay, ay naglakad lamang umano papalayo ang mga salarin na parang walang nangyari.

Sinasabing si Pineda umano ay kasamahan nang nauna nang pinaslang na administrative staff-collector na si Rosario Tortoles, 52 sa naturang palengke noong nakaraang Biyernes.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente na posible umanong may kinalaman sa trabaho ang ugat ng pagpatay. Inaalam din kung iisa ang pumaslang kay Tortoles at kay Pineda.

 

vuukle comment

BARANGAY COMMONWEALTH

COMMONWEALTH MARKET

KATE WINSLET VILLENA

LAILA AGATI

PINEDA

POLICE STATION

QUEZON CITY POLICE STATION

ROGER PINEDA

ROSARIO TORTOLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with