6 sugatan sa pamamaril sa Taguig
MANILA, Philippines - Muli na namang suÂmiklab ang karahasan sa lungsod ng Taguig makaraan ang tatlong sunud-sunod na insiÂdente ng pamamaril simula kamaÂkalawa ng gabi.
Unang naitala ang nangyaring pamamaril sa mga construction workers na sina Renato Mando, 27; Elmo Bocado, 41; at Joel Roxas, 20, pawang mga stay-in sa Tres Palmas Construction sa Live Mariano Avenue, Brgy. Ususan dakong alas-7 ng gabi.
Sa ulat, nakatayo lamang sa harapan ng pintuan ng tinutuluyang barracks ang mga biktima nang ratratin ng hindi pa nakikilalang mga salarin. Agad na isinugod ang mga biktima sa Taguig-Pateros District Hospital.
Sumunod naman dito ang isa pang inÂsidente ng pamamaril dakong alas-11:20 ng gabi sa may Levi Mariano Avenue, ng naturang lungsod. Nabatid na naglalakad sa naturang lugar ang biktimang si Shawn Michael Nasayao, 19, nang barilin ng hindi pa nakikilalang salarin.
Masuwerteng hindi naman napuruhan ang biktima at nakuha kaagad ng mga doctor sa Taguig-Pateros District Hospital ang bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril na tumama sa kanyang likuran.
Pinakahuling insiÂdente ang nangyaring paÂmamaril sa magkaÂpatid na Ryan, 17; at Jay Macasinag, 21; sa Balagtas St., Lower BicuÂtan. Kapwa isinugod rin ang magkapatid sa nabanggit na pagamutan habang blangko rin ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga salarin.
- Latest