^

Metro

Rider lasog sa truck

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang rider ang nasawi makaraang mabundol at masagasaan ng isang truck sa flyover sa lungsod ng Quezon, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Senior Inspector Erlito Renegin, hepe ng Traffic Sector 3 ng Quezon City Police District (QCPD), ang biktima na si Teodoro Desila Jr., 32.

Nangyari ang insidente sa may flyover ng E. Rodriguez Jr. Avenue sa harap ng Red Ribbon outlet sa Brgy. Ugong Norte, ganap na alas-10:45 ng gabi.

Ayon kay Renegin, sakay ng kanyang minamanehong Yamaha Mio motorcycle (8954-TZ) si Desila at tinatahak ang lugar, pero ma­tapos makababa ng flyover ay na­bundol at nasagasaan siya ng isang  Mitsubishi tractor head (REW-277).

Hawak naman ng PS3 ang driver ng truck na si Jerson Ma­chanoy, 29, na residente ng Bacolor, Pampanga.

Kuwento ni Machanoy, pabalik na umano siya ng Pampanga matapos magdeliber ng buhangin sa isang construction site. Habang pa­baba ng flyover, dagdag ni Machanoy, bigla na lang umanong sumulpot si Desila sa kaliwang bahagi niya at nag-overtake.

Gayunman, matapos anyang mag-overtake ni Desila ay nawalan ito ng kontrol sa kanyang motorsiklo matapos tamaan ang dalawang butas sa kalye, sanhi para tamaan niya ito.

Giit pa ni Machanoy, ti­nangka niyang iwasan si Desila at kinabig pakaliwa ang manibela, pero bumagsak umano ito sa kanyang direksyon dahilan para tamaan niya ito at masagasaan.

vuukle comment

DESILA

JERSON MA

MACHANOY

PAMPANGA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RED RIBBON

RODRIGUEZ JR. AVENUE

SENIOR INSPECTOR ERLITO RENEGIN

TEODORO DESILA JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with