^

Metro

Sanggol hinostage ng amang adik

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang adik na mister na may diprensiya na sa pag-iisip makaraang i-hostage ang anak niyang sanggol na babae   matapos na makatalo ang kanyang kinakasama sa Malabon City kahapon ng umaga.

Kinilala ni Senior Supt., Ferdinand Ampil, hepe ng Malabon  City Police ang suspect  na si Ramil Tindero, ng Kamias St., Brgy.  Maysilo ng naturang lungsod.

Ayon sa report, dakong  alas-9:00  ng umaga, nakatalo ng suspek ang ka-live-in na si Jingle Santos sa loob ng kanilang bahay sa naturang lugar, na naging dahilan upang itawag ng mga kapitbahay  sa mga barangay tanod.

Nang mamataan ng suspect ang mga tanod  ay kinuha  nito   ang anak na 10- buwang gulang at ginawang hostage upang hindi maaresto.

Tumawag na ng mga pulis ang barangay hanggang respondehan ang insidente. Ilang minuto ring nagsagawa ng negosasyon sa suspect at hindi naglaon ay napapayag na ito  na sumuko at ibinigay ang hostage na sanggol. Agad namang dinala sa presinto ang suspect.

vuukle comment

ARESTADO

AYON

CITY POLICE

FERDINAND AMPIL

JINGLE SANTOS

KAMIAS ST.

MALABON CITY

RAMIL TINDERO

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with