^

Metro

Lola itinumba

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang 69-anyos na lola makaraang malapitang barilin sa ulo ng isang hindi pa nakikilalang salarin habang umiinom ito ng kape, kahapon ng umaga sa Pasay City. Isinugod pa ng mga opisyal ng barangay sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Nilda Barredo, vendor at residente ng Blk 7 Lot 19 Rosal St., subalit nasawi rin habang nilalapatan ng lunas sa tinamong tama ng bala ng kalibre .45 baril. Sa imbestigasyon nina SPO1 Cris Gabutin at PO2 Mario Golondrina ng Station Investigation and Detective Management Section ng Pasay police, umiinom ng kape sa isang food stand sa kanto ng Sunflower at Sampaguita St. ang biktima dakong alas-6:30 ng umaga nang lapitan ng nag-iisang suspek at kaagad pinapu­tukan nang malapitan sa ulo. Mabilis na tumakas ang salarin patungo sa hindi nabatid na lugar matapos na du­guang bumulagta ang biktima. Patuloy naman ngayon na inaalam ng pulisya kung ano ang motibo sa naturang pamamaslang sa matandang biktima.

 

vuukle comment

CRIS GABUTIN

DIOS HOSPITAL

MARIO GOLONDRINA

NILDA BARREDO

PASAY CITY

ROSAL ST.

SAMPAGUITA ST.

SAN JUAN

STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT SECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with