^

Metro

2 lalaki utas sa karahasan sa Pasay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang kapwa  nasawi sa naganap na krimen sa  magkahiwalay na insidente, kahapon ng madaling araw.

Namatay dahil sa tama ng mga bala sa katawan ang 30-anyos na si Rodrigo Criman, alyas Nognog, ng no. 2518 M. Dela Cruz St. habang matinding bugbog naman ang ikinasawi ni Armel Yubale, ng no. 153 KCO Santos Drive, Zapote, Las Piñas City.

Sa ulat ng Pasay City Police, nagbabantay ng kanyang tindahan si Marlon Guttierez, 35, sa may no. 2520 Magtibay St. dakong alas-2:15 ng madaling araw nang biglang pumasok si Criman at humihingi ng saklolo.

Bigla ding pumasok ang ilang armadong lalaki at pinagbabaril si Criman na naging sanhi ng kamatayan nito habang tinamaan rin ng bala sa sikmura si Guttierez. 

Mabilis na tumakas ang mga salarin habang isinugod sina Criman at Guttierez sa Pasay City General Hospital ngunit hindi na umabot ng buhay ang una.

Nabatid sa rekord ng pulisya na sangkot sa iba’t ibang krimen sa lugar si Criman kaya pinaniniwalaang paghihiganti ang motibo ng pamamaslang sa biktima.

Nauna dito dakong ala-1:15 ng madaling araw, pinagtulungang gulpihin ng isang grupo ng kalalakihan si Yubale sa may EDSA Extension sa tapat ng Amigo’s Grill and Restaurant. 

Ayon sa barangay tanod na si Vincent Ligaya, nakita nila ang mga salarin na may hawak pang mga tako ng bilyar na hinahabol si Yubale at nang abutan ay walang puknat na gulpi ang inabot.

vuukle comment

ARMEL YUBALE

CRIMAN

DELA CRUZ ST.

GRILL AND RESTAURANT

GUTTIEREZ

LAS PI

MAGTIBAY ST.

MARLON GUTTIEREZ

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with