^

Metro

Lalaki nakipaglamay, pinatay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Humabol sa pinuntahang burol ang isang 57-anyos na lalaki makaraang masawi ito matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Nagtamo ng tama ng bala ng kalibre .45 sa katawan ang nasawing si Alfredo Jaway, ng Silangan St., Masville, Brgy. BF Homes, ng naturang lungsod.  Sugatan naman  makaraang tamaan ng ligaw na bala sa braso si Rosalina Padida, 22.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Para­ñaque City Police, na dumalo sa burol ng namayapang kasamahan sa construction si Jaway sa may Silangan Site, sa naturang barangay, dakong alas-7 ng gabi.

Nakikipagsugal ang biktima nang isang lalaki ang sumulpot at sunud-sunod na paputukan ang una nang malapitan sanhi ng agad nitong kamatayan.  Nagkanya-kanyang takbuhan naman ang mga dumalo sa burol habang mabilis na tumakas ang salarin.

Nahihirapan naman ang mga imbestigador na makilala ang salarin dahil sa tikom ang bibig ng mga nakasaksi sa krimen dahil na rin sa takot na sila ang balikan.

Patuloy pa rin namang inaalam ang motibo sa naturang krimen.

 

vuukle comment

ALFREDO JAWAY

BRGY

CITY POLICE

HUMABOL

JAWAY

ROSALINA PADIDA

SILANGAN SITE

SILANGAN ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with