^

Metro

1 suspect na humoldap at pumatay sa PLM cum laude, timbog na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado na  ang isa sa dalawang suspect na sangkot sa panghoholdap at pagpatay sa  20-anyos na cum laude  ng Pamantasan ng Lungsod (PLM) ng Maynila na si Kristine Dawn Concepcion noong Marso 6 ng madaling araw sa loob ng pampasaherong dyip sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang suspect na si Melvin Balajadia, 29, ng Tambunting st., Sta. Cruz, Maynila, matapos itong sunduin sa Manila Domestic Airport kahapon ng umaga mula sa pagtatago sa Tacloban City.

Nabatid na nagpasyang sumuko si Balajadia kay MPD-station 7 commander Supt. Roderick Mariano at Brgy. Chairman Re­nato Jimenea, sa tulong ng isang tauhan ni Mariano na asawa umano ng pinsan ng suspect.

Kasalukuyan pang tinutugis ang isa pang suspect na si Gerald Camua­, 27, miyembro umano ng ‘True Brown Style (TBS)’  at miyembro din ng ‘Sigue-sigue Sputnik’ gang.

Una nang dinampot ang ama ni Melvin na si Alvino Balajadia, dahil sa nakabinbing warrant of arrest sa kasong pilferage nang salakayin ang bahay nito sa pagtugis kay Melvin noong Marso 8.

Sa pag-amin ni Balajadia, hindi umano nila plano ang pagpatay kundi panghoholdap lamang  at hindi niya inakala na babarilin ang biktima ng kasamang si Gerald Camua­.

Batay sa impor­mas­yon, ang baril ay pag-aari ni Camua.

 

vuukle comment

ALVINO BALAJADIA

BALAJADIA

CHAIRMAN RE

CRUZ

GERALD CAMUA

KRISTINE DAWN CONCEPCION

MANILA DOMESTIC AIRPORT

MARSO

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with