^

Metro

Sunog sa Malabon: 2 sugatan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa ang nasugatan habang 20 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang sumiklab ang isang sunog sa  Malabon City kahapon ng umaga.

Nakilala ang mga sugatan na sina Julito Bernales, 43 at Flordeliza Fuentes, 33, ng Brgy. Catmon  ng nasabing lungsod  matapos tamaan ang mga ito sa mukha ng mga nagliliparang mga  balde at timba mula sa mga residente na tumutulong maapula ang apoy.

Ayon sa  Malabon City Fire Department, nagsimula ang sunog  dakong alas-7:35 ng umaga mula sa bahay ng isang Josephine Ramos na mabilis dahil pawang gawa lamang sa light materials ang mga bahay sa lugar.

Dakong alas-8:00 ng umaga nang ideklarang fire-out ang sunog na umabot sa second alarm. Inaalam na kung magkanong halaga ng mga ari-arian  ang tinupok ng apoy at ano ang pinagmulan nito.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

CATMON

FLORDELIZA FUENTES

JOSEPHINE RAMOS

JULITO BERNALES

MALABON CITY

MALABON CITY FIRE DEPARTMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with