^

Metro

Company exec, tumalon mula 10th-floor, patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lasog ang katawan ng isang executive ng  Citimotors Phils. makaraang tumalon buhat sa ika-10 palapag ng tinutuluyan nitong condominium, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Nakilala ang nasawi na si Cesar Genato,  vice-president for finance ng Citimotors at nanunuluyan sa 10th floor ng Litrium Condominium na nasa Dela Costa St., Salcedo Village, ng naturang lungsod.

Nabatid kay SPO1 Jason David ng Makati City Police, dakong alas-10:00 ng gabi nang tumalon umano si Genato buhat sa ika-10 palapag at unang bumagsak sa canopy sa pagitan ng ikalawa at ikatlong palapag. Ngunit bumigay din ang canopy hanggang sa mahulog sa ground floor sa tapat ng gusali ang biktima.

Sa imbestigasyon, mag-isa lamang naninirahan sa kanyang unit si Genato na umano’y may dinaranas na malaking problema. Nahirapan pang pasukin ng mga pulis ang loob ng condo unit ng biktima na nakakandado kaya humingi ng tulong sa mga kaanak nito.

Ayon sa personal driver ng biktima na si Mark Anthony Asen, nagsimba muna ang kanyang amo bago nito inihatid sa kanyang condo. Bago ito, sinabihan na rin siya ng mga kapatid ng biktima na bantayan itong maigi dahil sa may malaking problema at hindi na maganda ang ikinikilos.

Dumating naman ang mga magulang ng biktima sa Makati City Police na isinasailalim sa pagtatanong upang makumpirma ang sinasabing problema ng biktima na maaaring nagtulak sa kanya para gawin ang pagpapatiwakal.

Naniniwala naman umano ang mga magulang ng biktima na walang nangyaring foul play sa insidente.

 

vuukle comment

BIKTIMA

CESAR GENATO

CITIMOTORS PHILS

DELA COSTA ST.

GENATO

JASON DAVID

LITRIUM CONDOMINIUM

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MARK ANTHONY ASEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with