^

Metro

Sanggol pinatay, itinapon sa basurahan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bagong silang na sanggol na pinaniniwalaang pinatay ng walang pusong ina ang natagpuan sa ba­surahan malapit sa covered court sa Brgy. Matandang Balara sa Quezon City ka­hapon ng umaga.

Nakakabit pa ang pusod at inunan nang makita ng mga basurerong sina Rollie­ Abon at Jimmy Causa ang sanggol na lalaki na naka­kahon sa garbage bag.

Ayon kay PO2 Anthony Tejerero ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City PNP, sinasabing may balot ng itim na damit  at may busal na pulang underwear ng babae ang bibig ng sanggol nang madiskubre.

“May busal na panty na pula sa bibig, kaya po­sibleng buhay pa ang sanggol nang ilabas sa sinapupunan ng ina,” pahayag ni PO2 Tejerero.

Sabi pa ni Tejerero, hindi­ naman nila tiyak kung ang pulang panty sa bibig ng sanggol ang ugat para mamatay ito dahil walang nakakita sa nasabing pangyayari.

“Wala kasi tayong eyewitness, pero posible ’yun ang dahilan kaya siya namatay. Posible rin kasi na binusalan lang para hindi marinig ang iyak, pero sabi ng nakadiskubre ay fresh pa ang sanggol noong makita nila,” dagdag pa ni Tejerero.

Ganap na alas-6:30 ng umaga nang matagpuan nina Abon at Causa ang sanggol habang nanga­ngalalakal ng basura.

Dahil nakasilid sa itim na garbage bag ang kahon, inakala­ ng dalawa na kalakal ang laman nito na maaaring pakinaba­ngan pero pagbukas nila sa kahon­ ay bumulaga ang kalunus-lunos na ka­lagayan ng sanggol.

 

vuukle comment

ABON

ANTHONY TEJERERO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

JIMMY CAUSA

MATANDANG BALARA

QUEZON CITY

SANGGOL

SHY

TEJERERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with