^

Metro

Kelot binasted ng nililigawan, nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa hindi matanggap ang pagbasted sa kanya ng nililigawan, ipinasya ng isang lalaki na magpakamatay sa pamama­gitan nang pagbibigti sa loob ng tinutuluyang gusali sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni PO2 Marlon dela Vega, ang biktima na si Leo John Gamora, 22,  hardware salesman at stay-in employee sa CAC Superstore building na ma­tatagpuan sa kahabaan ng EDSA sa Barangay Balintawak sa lungsod.

Ayon kay Dela Vega, patay na nang matagpuan si Gamora, habang nakabigti sa ikalawang pa­lapag ng entrance ng CAC buil­ding ganap na alas-3:30 ng madaling-araw.

Ginamit umano ng biktima ang nylon cord na ipi­nulupot sa kanyang leeg saka itinali sa iron grills.

Ang katawan ng biktima ay nadiskubre ng kanyang kasamahan na si Jovit Ba­rabicho.

Nabatid pa na nauna nang binasted ang nasawi ng nililigawan na tini­ting­nang da­hilan sa pagpapaka­matay nito.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon para alamin kung may naganap na foul play sa insi­dente.

vuukle comment

AYON

BARANGAY BALINTAWAK

DAHIL

DELA VEGA

GAMORA

GINAMIT

JOVIT BA

KINILALA

LEO JOHN GAMORA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with