Lola patay sa hit-and-run
- Ludy Bermudo (The Philippine Star) - September 2, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Binawian ng buhay habang isinusugod sa Philippine General Hospital ang isang matandang babae matapos ma-hit-and-run  ng isang rumaragasang Guardian Bus Lines, sa Taft Avenue malapit sa panulukan ng Padre Faura St., sa Ermita, Maynila, kahapon ng hapon.

Bago umano malagutan ng hininga, nasambit pa ng biktima ang pangalan niyang “Herminia Nayagan”, ayon sa may hawak ng kaso na si SPO4 Mario Jorge ng Manila Traffic Bureau.

Inilarawan naman ang biktima na nakasuot ng bulaklakin na pang-itaas, kulay blue na pantalon at may dalang bag, subalit walang nakuhang identification card sa loob nito.

Nakikipag-ugnayan na si SPO4 Jorge sa pamunuan ng nasabing bus company matapos takasan ng driver na kinilalang si Frederick Buitre, ng Guardian Bus (TXM-543) ang kanyang nasagasaan.

Dakong alas-12:10 nang masagasaan ang ginang at idineklarang dead-on-arrival sa PGH bandang ala-1:00 ng hapon ang biktima at ngayon ay nasa safekeeping  ng St. Harold Funeral ang mga labi nito.

FREDERICK BUITRE GUARDIAN BUS GUARDIAN BUS LINES HERMINIA NAYAGAN MANILA TRAFFIC BUREAU MARIO JORGE PADRE FAURA ST. PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL ST. HAROLD FUNERAL
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with