^

Metro

2 choir member kritikal sa pamamalo ng liyabe

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nasa malubhang kon­disyon ang dalawang miyembro ng choir makaraang pagpapaluin ng liyabe katala ng isang lalaki habang papauwi, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ginagamot sa Jose Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan sina Ivan John, 16, ng Sitio Matarik at Rowel Rombo, 17, ng Tandang Sora kapwa ng Camarin ng nabanggit na lungsod.

Agad namang nadakip ng mga awtoridad ang suspect na si Vergel Roquin, 33, ng Doña Pulutong, Camarin.

Base sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-9:15 ng gabi nang maganap ang insidente malapit sa simbahan sa kanilang lugar.

Galing sa pagpa­praktis sa simbahan ng kanilang kanta sa choir ang dalawang biktima nang mapadaan sa tapat ng bahay ng suspect.

Dito walang sabi-sabing sinalakay ng suspect ang dalawang tinedyer at pinag­hahampas ng liyabe ng bakal sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nahaharap ngayon sa two counts ng frustrated murder ang suspect habang inaalam ng pulisya ang motibo ng krimen.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DITO

GINAGAMOT

IVAN JOHN

JOSE RODRIGUEZ MEMORIAL HOSPITAL

ROWEL ROMBO

SITIO MATARIK

TANDANG SORA

VERGEL ROQUIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with