^

Metro

Lady trader dedo sa amok na kostumer

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

 Manila, Philippines - Nasawi ang isang babaeng negosyante makaraang barilin ng lalaking nag-amok sa loob ng kaniyang videoke bar sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Cherry Fulgencio-Denago, 32 at residente ng North Gate Executive Homes, San Jose Del Monte Bulacan.

Natukoy naman ang suspect sa alyas na Jerome at ngayon ay tugis na ng awtoridad.

Batay sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District, nangyari ang insidente sa loob ng videoke bar ng biktima na mata­tagpuan sa kahabaan ng Litex Road, Brgy. Commonwealth sa lungsod, ganap na alas-3:30 ng madaling-araw.

Sinasabing pumasok ang suspect sa bar saka nagkunwaring kostumer.

Ilang sandali pa, bigla itong nagbunot ng kalibre 45 baril at naghamon ng gulo sa pagsasabing “Saan ang maangas!”

Isa-isang hinamon ng away ng suspect ang mga kostumer, dahilan para magpasya ang biktima na ma­magitan at sitahin ang una. Subalit, ang biktima ang napagbuntunan ng galit ng suspect na barilin sanhi ng kamatayan nito.

Mabilis na tumakas ang suspect makaraan ang pamamaril, habang pa­tuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. 

vuukle comment

BATAY

BRGY

CHERRY FULGENCIO-DENAGO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

ILANG

LITEX ROAD

NORTH GATE EXECUTIVE HOMES

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SAN JOSE DEL MONTE BULACAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with