^

Metro

Drug dens sa Navotas, sinalakay

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Muling sinuyod ng grupo ni Navotas Mayor John Rey Tiangco at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga itinuturong drug dens sa lungsod, kahapon ng madaling-araw. Ayon kay PDEA-NCR director Wilkins Villanueva, anim na magkakahiwalay na drug dens ang sinalakay ng grupo at matagumpay na nahuli ang mga suspek na kinilalang sina Buboy Tibayan, Kris Parañaque, Roberto Baluyot, Elvira Panganiban at may mga alyas na Entong at Boyet. Nasamsam mula sa kanila ang ilang gramo ng shabu at drug paraphernalias.

Nagsimula ang operation bandang alas-4:00 ng umaga sa Brgy. Tangos at isinunod na suyurin ang dalawa pang barangay. Nag-ugat ang entrapment operation sa mga sumbong kay Mayor Tiangco ng ilang concerned citizens sa lungsod.

“Araw-araw ay nakakatanggap ako ng texts sa mga residente ng mga na­sabing barangay ukol sa pagbabalik ng mga hinihinalang drug pushers matapos ang mahigit kumulang isang buwan mula nang unang magsagawa ng drug raid sa Brgy. Tangos (kung saan walong suspek ang nahuli at nakasuhan ng PDEA). Kasalukuyan ng nasa kustodya ng PDEA ang mga nahuling suspek at nasamsam na ebidensiya.

vuukle comment

BRGY

BUBOY TIBAYAN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ELVIRA PANGANIBAN

KRIS PARA

MAYOR TIANGCO

NAVOTAS MAYOR JOHN REY TIANGCO

ROBERTO BALUYOT

WILKINS VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with