^

Metro

'Killer for hire' timbog

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang hinihinalang upa­hang hitman at ka­sama sa most wanted person ang nadakip ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) sa Taguig City, kamakalawa ng hapon. 

Nakilala ang nadakip na si Emiterio Bagay, 53, ng South Signal Village, Taguig City. Nabatid na nahaharap ang suspek sa iba’t ibang kaso ng pagpatay at may patong na P90,000 sa ulo. 

Sa ulat ng SPD, halos­ isang linggong tiniktikan ng mga tauhan ng Inves­tigation Division ang pinagtaguang lugar ni Bagay sa South Signal Village bago siya tu­lu­yang nadakip sa bisa ng warrant of arrest na ipina­labas ni Judge Jose Pilar ng Bangui, Ilocos Norte.

Si Bagay ang itinutu­rong pumatay sa kanyang bayaw na si Jackson Ravina sa Burgos, Ilocos Norte noong taong 2002 na itinanggi naman nito nang isailalim sa imbestigasyon.

Napag-alaman na tinu­tugis din si Bagay ng Ilocos Norte Provincial Police Office dahil sa hinalang isa umano ito sa hitman na ginagamit ng sindikato sa Ilocos Norte upang iligpit ang ilang mga kalaban sa pulitika.

vuukle comment

BAGAY

EMITERIO BAGAY

ILOCOS NORTE

ILOCOS NORTE PROVINCIAL POLICE OFFICE

JACKSON RAVINA

JUDGE JOSE PILAR

SHY

SI BAGAY

SOUTH SIGNAL VILLAGE

SOUTHERN POLICE DISTRICT

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with