^

Metro

Ama nagbaril matapos martilyuhin ang mag-ina

- Doris Franche - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang 38-anyos na ama­ ang nagbaril sa sarili ma­tapos na martilyuhin at ma­patay ang kanyang mag-ina sa loob ng kanilang bahay sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Pinaniniwalaang may ilang oras nang patay sina Nelson Cruzat, misis nitong si Cecil, 30; at anak na si Christian Mark, 8, ng Almeda corner San Nicolas St., Tondo, Maynila.

Sa report ni Det. Paul Dennis Javier ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-11:30 ng umaga nang matagpuang patay ang pamilya Cruzat sa loob ng kanilang bahay.

Ayon kay Aling Flora, ina ni Cecil, dakong alas-6:30 nang umaga nang magtungo siya sa bahay ng mag-asawa upang gisingin ang kanyang apo para mag­handa sa pagpasok nito sa eskwelahan.

Nang walang suma­sagot ay inisip ni Aling Flora na tulog pa ang mag-anak kaya bumalik na lamang ito sa kanilang bahay na ilang metro lang ang layo.

Makaraan ang ilang minuto ay muling bumalik si Aling Flora sa bahay ng mag-asawa upang alamin kung nakapasok na ang kanyang apo subalit pagkatok nito ay wala pa ring sumasagot kaya naghinala ito. Dahil dito, tinawag niya ang kaibigan ng kanyang manugang at nagpatulong na buksan ang pintuan ng bahay ng mag-asawa gamit ang duplikadong susi kung saan tumambad sa kanila ang pamilya na duguan at patay na.

Nakitang magkatabing patay ang mag-ina habang si Nelson ay natagpuang nasa sulok at wala na ring buhay.

Nakuha sa tabi ng bata ang isang duguang martilyo na hinihinalang ginamit sa pagpatay at isang 9mm na hinihinalang ginamit sa pagbaril sa sarili matapos nitong martilyuhin ang kanyang mag-ina.

Sinasabing pagkaka­utang ang hinihinalang dahilan ng pagpapakamatay ni Nelson na isang alahero sa Aranque market at pagpatay sa kanyang mag-ina.

Gayunman patuloy ang isinasagawang imbestigas­yon ng pulisya upang matukoy ang tunay na dahilan.

vuukle comment

ALING FLORA

CHRISTIAN MARK

HOMICIDE SECTION

MAG

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

NELSON CRUZAT

PAUL DENNIS JAVIER

SAN NICOLAS ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with