^

Metro

4 pinagbabaril sa Marikina

- Mer Layson - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sugatan ang apat katao kabilang ang isang babae matapos na pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay sa Marikina City, kahapon ng madaling-araw.

Ginagamot ngayon sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang mga biktima na sina Junie Redoble, 37; Butch Nopies, 34; Jonil Adigue 28, at Emerita Borda, 34, pawang nakatira sa Palay St., Brgy. Tumana sa lungsod.

Mabilis namang tumakas ang dalawang suspek na armado ng kalibre 45 baril.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling-araw habang nagkukuwentuhan ang mga biktima sa loob ng bahay nang kumatok ang hindi nakilalang mga suspek at nang pagbuksan ng pintuan ay doon na walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga nasa loob.

Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang pulisya para mabatid ang motibo ng pamamaril at upang madakip ang dalawang suspek.

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEMORIAL MEDICAL CENTER

AYON

BRGY

BUTCH NOPIES

EMERITA BORDA

GINAGAMOT

JONIL ADIGUE

JUNIE REDOBLE

MARIKINA CITY

PALAY ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with