^

Metro

Mister iniwan ni misis, nag-suicide sa palikuran

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang dinamdam ng 27-anyos na mister ang paghihiwalay nila ng kanyang misis kaya nagde­sisyong magpakamatay sa loob ng palikuran ng kanilang bahay sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nagbaril sa ulo ang biktimang si Eddie dela Tonga Dineros, tindero ng kape sa Tabora, ng Rm. 302 3rd floor, #366 Coral St. sa Tondo, Maynila.

Sa naantalang ulat ni PO1 Francisco Mendoza ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:30 ng tanghali ng Huwebes (Mayo 31) nang madiskubre ng kapatid na si Evelyn Dineros at apo nito ang duguang katawan ng kanyang utol na naka­lugmok sa palikuran.

Napag-alamang umuwi sa Northern Samar ang ka-live-in ng biktima, kasama ang dalawa nilang anak.

Simula noong Mayo 14 ay mag-isa na lamang na nakatira ang biktima sa bahay dahil sa hiniwalayan na ng ka-live-in.

Sinabi pa ni Evelyn na binisita niya ang biktima dahil hindi sumasagot kaya naisipang ipabukas sa locksmith ang pintuan hanggang sa natagpuan ang bangkay nito.

Sa kabila ng natanggap na text ng kaanak mula sa biktima kaugnay sa tangkang pagpapakamatay, pi­nagdududahan naman kung bakit nagawa nitong barilin ang sarili ng dalawang beses. 

CORAL ST. EDDIE EVELYN EVELYN DINEROS FRANCISCO MENDOZA HUWEBES MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION MAYNILA NORTHERN SAMAR TONGA DINEROS
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with