^

Colonel, himalang nakaligtas!

- Ni Mer Layson () - May 13, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Himalang nakaligtas at nasa maayos na umanong kondisyon sa ngayon ang isang police colonel matapos na barilin sa kanang sentido na tumagos sa kaliwang mata ng isang lalaki sa loob ng isang bar sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si P/Senior Superintendent Ted Pedronisto Quiaño, chief-of-staff ng Philippine National Police Finance Department sa Camp Crame, Quezon City.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, dakong alas-6:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa Nippa Hut resto bar sa Henry Javier St. sa Brgy. Oranbo sa Pasig City.

Sinasabing umiinom ang biktima kasama ang isang babae sa loob ng resto bar nang bigla na lang itong lapitan ng suspek na nakasuot ng itim na t-shirt at barilin sa sentido, bago mabilis na tumakas.

Masuwerte namang nakaligtas at nilalapatan na ng lunas sa The Medical City hospital ang biktima.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang kaso.  

BATAY CAMP CRAME HENRY JAVIER ST. MEDICAL CITY NIPPA HUT PASIG CITY PASIG CITY POLICE PHILIPPINE NATIONAL POLICE FINANCE DEPARTMENT QUEZON CITY SENIOR SUPERINTENDENT TED PEDRONISTO QUIA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with