^

Metro

Fetus lumutang sa inidoro ng mall

-

MANILA, Philippines - Isang limang buwan na fetus na hinihinalang pinalaglag ng kanyang ina ang tinangkang i-flush sa inidoro ang natagpuan ng isang janitress sa loob ng comfort room ng isang mall sa Lungsod Quezon, kamakalawa.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), ang fetus na lumutang-lutang sa inidoro ng CR ay nakita sa 4th floor ng isang mall sa North Edsa bandang alas-4:20 ng hapon. Sinasabing isang Maricar Plechero, janitress sa nasabing mall ang nakakita sa nasabing fetus habang ito ay naglilinis sa nasabing CR.

Unang inakala na dumi lamang ang fetus kung kaya tinangka ni Plechero na i-flush ito sa bowl, ngunit hindi sumama sa tubig pailalim at lumutang, hanggang sa malaman niyang isa pala itong nilalang.

Dinala na ang fetus sa St. Rafael Funeral Homes para sa kaukulang disposisyon, habang patuloy ang  imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente upang matukoy ang ina nito. (Ricky T. Tulipat with trainees Mira Thea Alvarez at Kristel Anne Vergara)

vuukle comment

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DINALA

ISANG

KRISTEL ANNE VERGARA

LUNGSOD QUEZON

MARICAR PLECHERO

MIRA THEA ALVAREZ

NORTH EDSA

RICKY T

ST. RAFAEL FUNERAL HOMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with