^

Metro

Kaskaserong driver dedo sa SLEx

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines -Patay ang sinasabing kaskaserong driver ma­tapos sumalpok sa minamanehong van sa bakal na railing sa kahabaan ng South Luzon Expressway sa Muntinlupa City kama­kalawa ng umaga.

Idineklarang patay sa Ospital ng Muntinlupa ang biktimang si Jick Jick Ca­batingan ng Magnolia St. sa Camella Homes, Brgy. Don Bosco, Parañaque City.

Sa imbestigasyon nina PO3 Jumar Virgilio Tira at PO2 Alex Ronda ng Mun­tinlupa City PNP, naganap ang insidente dakong alas-6:10 ng umaga sa South bound ng Sitio Fantastic, West Service Road ng SLEx, Muntinlupa City.

Lumilitaw na minamaneho ng biktima ang Kia Besta­ van (PTJ-488) nang hindi nakontrol ang kanyang ma­nibela matapos magpreno dahil sa masyadong mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan.

Sumalpok ang van sa bakal na railing ng SLEx kung saan bumaliktad ito at tumilapon ang biktima sa layong 20 metro mula sa sasakyan.

Kaagad na isinugod ang biktima ng rescue team ng Muntinlupa City sa na­sabing ospital subalit hindi na umabot­ ng buhay.

vuukle comment

ALEX RONDA

CAMELLA HOMES

DON BOSCO

JICK JICK CA

JUMAR VIRGILIO TIRA

KIA BESTA

MAGNOLIA ST.

MUNTINLUPA CITY

SHY

SITIO FANTASTIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with