^

Metro

18-anyos dedo sa abortion

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Nadakma ang 88-anyos na lola na sinasabing abortionist at ang  kanyang ahente sa inilatag na entrapment operation ng pulisya matapos masawi ang kanilang biktima sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Pormal na kakasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Catalina Garcia-Jose ng Phase 2, Bagong Silang sa nabanggit na lungsod at Rosalinda Dimaculangan, 56, ng VMN Compound, Brgy. Potrero sa Malabon City.

Lumilitaw sa imbestigasyon na apat na buwang buntis ang biktimang si Jorgia Marjorie Macabasag, 18, ng Bisig ng Kabataan kung saan nagpasya itong ipalaglag ang sanggol sa mga suspek.

Nabatid na dinala ni Dimacu­langan ang biktima at nobyo sa bahay ni Catalina kung saan nagkasundong ilaglag ang fetus kapalit ng P4,000 noong Marso 25.

Huling namataang buhay ang bik­tima noong Marso 28 matapos dalhin sa Amang Rodriguez Memorial Hospital para magpagamot dahil sa matinding panghihina subalit namatay kinabukasan.

Dito na humingi ng tulong sa pulisya ang mga magulang ng biktima para madakma ang mga suspek.

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEMORIAL HOSPITAL

BAGONG SILANG

BISIG

BRGY

CALOOCAN CITY

CATALINA GARCIA-JOSE

JORGIA MARJORIE MACABASAG

MALABON CITY

MARSO

ROSALINDA DIMACULANGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with