^

Metro

Quiapo vendor, Bikolano tumama sa 6/45 Lotto

-

MANILA, Philippines - Isang tindero sa Quiapo, Maynila at isang Bikolano ang maghahati sa P24 milyong jackpot prize sa 6/45 Mega lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa ginanap na bola kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Agad namang kinubra ng 48-anyos na vendor ang mahigit na P12 milyong kalahati ng P24 milyong jackpot prize nang kapwa tamaan ang kumbinasyong 11-34-24-27-29-16.

Sinabi ng kumubrang vendor na gagamitin niya ang ba­hagi ng milyones sa pagnenegosyo sa Quiapo at pagpapaaral sa walo niyang anak upang hindi tumulad sa kanya ang kinabukasan.

Ikinuwento pa kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II ng naturang vendor na madalas na pagsabihan siya ng misis na tumigil na sa pagtaya dahil sa loob ng 10-taong pagtaya ay hindi naman tumatama. 

Napatunayan umano niya na mali ang kanyang misis na laking pasalamat sa kanya ngayon nang matumbok ang jackpot ng mega lotto.

Wala namang nanalo sa lumabas na kombinasyong 38-40-37-47-31-20 ng 6/55 Grand lotto na binola rin kamakalawa ng gabi na may kabuuang jackpot prize na P30 milyon.

vuukle comment

BIKOLANO

GENERAL MANAGER JOSE FERDINAND ROJAS

IKINUWENTO

ISANG

MAYNILA

MEGA

NAPATUNAYAN

PASAY CITY

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with