^

Metro

Gatdula muling nagpasaklolo sa korte

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nagpasaklolo na sa Manila Regional Trial Court (RTC) si dating NBI director Magtanggol Gatdula laban sa anumang aksiyon­ ni Justice Secretary Leila de Lima, NBI Officer in Charge Nonnatus Rojas at NBI Deputy Director Reynaldo Esmeralda­ na maaring maging banta sa buhay at seguridad niya at ng kaniyang pamilya.

Inihain ni Gatdula ang petition for writ of amparo para mapigilan si De Lima at iba pa sa pag-frame-up umano sa kaniya kaugnay sa bigong pananambang kay Esmeralda noong nakalipas na linggo at siya umano ang tinutumbok na mastermind sa assassination­ plot.

Hiling ng kampo ni Gatdula na magpalabas ang korte ng writ of amparo sa pangambang paghahain ng mga bogus na kaso gaya ng frustrated murder laban sa kanya.

Bukod pa rito, ang kahilingan niya na magpalabas ang huku­man­ ng Temporary Protection Order at Production Order para sa pagpapalabas ng mga medical at ballistic report at iba pang mga dokumento na may kinalaman sa pag-ambush kay Esmeralda­. Nakatanggap daw kasi sila ng impormasyon na plano umano ng mga respondent na palabasin na siya ang mastermind o utak ng nasabing pananambang.

vuukle comment

CHARGE NONNATUS ROJAS

DE LIMA

DEPUTY DIRECTOR REYNALDO ESMERALDA

GATDULA

INIHAIN

JUSTICE SECRETARY LEILA

MAGTANGGOL GATDULA

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

PRODUCTION ORDER

TEMPORARY PROTECTION ORDER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with