^

Metro

Aakyat ng ligaw utas sa karibal

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Patay ang isang binatang aakyat ng ligaw makaraang pagbabarilin ng isa sa dalawang lalaki, isa rito ay sinasabing karibal sa pag-ibig ng una, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Dead-on-arrival sa Pagamutang Lungsod ng Malabon ang biktimang si Jayson Lopez, 26, ng Caingin St., Brgy. Tinajeros ng nabanggit na lungsod. Nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Lumalabas sa imbes­tigasyon ng Station Inves­tigation Division (SID) Ma­labon City Police, na­ganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi sa kahabaan ng Caingin 2, Brgy. Tinajeros ng na­banggit na siyudad.

Nabatid na aakyat sana ng ligaw ang biktima sa isang Peewhi subalit wala sa bahay ang dalaga.

Dahilan upang umuwi na lamang ang binata at habang naglalakad ito ay nakasalubong nito ang dalawang kalalakihan na armado ng baril at isa sa mga suspek ang bumaril sa binata.

Kaagad na tumakas ang mga suspek at ang biktima naman ay mabilis na isinugod sa nabanggit na pagamutan ng ilang mga taong nagmamalasakit, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Sinasabing karibal sa pag-ibig ang isa sa mga suspek, gayunman pa­tuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito.

vuukle comment

BRGY

CAINGIN ST.

CITY POLICE

DAHILAN

JAYSON LOPEZ

KAAGAD

MALABON CITY

PAGAMUTANG LUNGSOD

STATION INVES

TINAJEROS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with