^

Metro

Trader utas sa riding-in-tandem

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 58 -anyos na negosyante makaraang barilin ng riding in tandem habang pasakay naman ang una sa kaniyang motorsiklo sa Tondo, Maynila kama­kalawa ng gabi.

Hindi na naisalba ang buhay ng biktimang si Luis Ang, may-ari ng Louiemar Hardware bunga ng tinamong dalawang tama ng bala ng baril sa likurang bahagi ng kanyang ulo na dumiretso paibaba sa dibdib.

Mabilis namang tumakas ang mga suspect na sakay ng isang Kawasaki motorcycle matapos ang insidente.

Sa report ng pulisya, dakong alas- 8:30 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa harap ng hardware na tinitirhan din ng biktima at pamilya nito.

Kalalabas lamang ng bahay ng biktima at papasakay ito sa kanyang motorsiklo nang lapitan ng isa sa suspect at inasinta ito sa ulo habang nakatalikod.

Dalawang putok ang na­rinig hanggang sa bumulagta ang biktima.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa pagpatay at patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.

vuukle comment

BLANGKO

DALAWANG

KALALABAS

KAWASAKI

LOUIEMAR HARDWARE

LUIS ANG

MABILIS

MAYNILA

PATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with