^

Metro

Negosyanteng Taiwanese nilooban na, kinidnap pa

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang negosyanteng Taiwanese ang iniulat na dinukot ng mga armadong kalalakihan na nanloob sa pabrikang pag-aari nito sa Valenzuela City, kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Ying Ching Chang, 29, ng Brgy. Parada ng nasabing lungsod.

Sa report ng Station Investigation Division (SID) ng Valenzuela City Police, dakong alas-2:16 ng hapon, nang salakayin ng mga suspek ang Luton Trading, na matatagpuan sa #20 sa panulukan ng Catmon at Malabo Sts., Brgy. Maysan ng nabanggit na siyudad, na pag-aari ng biktima.

Nilimas ng mga ito ang mga pera, alahas, laptop at iba pang mahahalagang gamit ng biktima. Itinali pa umano ng mga suspek ang mga paa at mga kamay ng tatlong empleyado at bago nagsitakas dala ang biktimang si Chang.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang isinasagawang follow-up operation ng mga tauhan ng PACER at ng Valenzuela City Police upang i-rescue ang biktima at madakip ang mga suspek.

vuukle comment

BRGY

CATMON

LUTON TRADING

MALABO STS

STATION INVESTIGATION DIVISION

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY POLICE

YING CHING CHANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with