^

Metro

Police asset itinumba

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki na sinasabing asset ng pulis ma­tapos itong pagbabarilin ng suspek mismo sa harapan ng bahay nito sa   Malabon City kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center ang biktimang si Eduardo Eudisio, 36, ng Brgy. Longos, ng nasabing lungsod, nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa katawan na nagsanhi ng kanyang kamata­yan.

Kinilala ang tumakas na suspek na si Michael Ignacio, “alyas Michael Bulag”, ng Halaan St., ng nasabing barangay.

Dakong alas-2:30 ng umaga­ nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng biktima.

Kasalukuyang nakatayo ang biktima sa labas ng kanyang bahay nang biglang sumulpot ang suspek na armado ng baril at walang sabi-sabing pinagbabaril ang una.

Matapos ito ay mabilis na tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa na­turang pagamutan, subalit hindi na rin ito umabot ng buhay.

Nabatid na ang biktima ay kilala umanong police asset sa kanilang lugar.

vuukle comment

BRGY

DAKONG

EDUARDO EUDISIO

HALAAN ST.

KASALUKUYANG

MALABON CITY

MICHAEL BULAG

MICHAEL IGNACIO

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with