^

Metro

Pulis 5-6 itinumba ng mga vendor

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang isang pulis na nagpapautang ng 5-6 matapos na barilin ng malapitan sa batok ng hindi pa nakikilalang suspect kamakalawa ng gabi sa Juan Luna St., Binondo, Maynila.

Dead on arrival sa Justice Jose Abad Santos Mother and Child Hospital si PO3 Ernesto dela Cruz na nakatalaga sa Manila Police District-Police Station 5.

Sa pahayag ni Sr. Insp. Armand Maca­raeg, dakong alas-9 ng gabi nang barilin ng malapitan sa batok si dela Cruz sa tapat ng KP Tower.

Hindi naman tina­ ngay ng mga suspect ang service firearm ng biktima bagamat nawawala ang bitbit nitong clutch bag na naglalaman umano ng P.5 milyon.

Matagal na uma­nong nagpapautang ang biktima at nasa mil­yong halaga pa ang naipautang nito na malabo nang masi­ngil dahil sa kaniyang pagkawala. Iniimbestigahan na ang kaso ng pagpatay kay dela Cruz upang matukoy ang suspect.

Nabubuo naman ang teorya na posibleng may grupo ng mga vendor na magkaka-alyado at nag­sasabwatan sa pangungutang dahil hu­mahantong umano na ang nangungutang ng malaki ay ipinapapatay na lamang kung hindi nakakabayad.

Matatandaan na no­­ong nakalipas na Pebrero 8, taong ka­salukuyan, tinaga na parang buko ang ulo ni PO3 Luis Sagum alyas “Tata Boyet” nakatalaga sa Manila City Hall Police Detachment at residente ng no. 813 Coral St. Da­gupan, Tondo, May­nila.

Nadiskubre na ma­laki na ang pautang na 5-6 ni Sagum sa grupo ng mga vendor na karamihan ay Muslim habang kausap ang isang Nashrodin “Nash” Taratingan ay tinaga ito ng suspect na kinilala lamang sa pangalang “Alexis”.

Mayo 1,  2001, isi­ nabay naman sa Malacañang siege laban sa administrasyon ni dating Pangulong Glo­ria Macapagal-Arroyo ang pamamaril at pag­patay kay PO2 Rolando Abello, dating  nakatalaga sa Manila Police District-Station 3, na na­tuklasang marami ding pautang na 5-6 sa mga vendor ng Quiapo, partikular sa Carriedo.

Inakalang si Abello ay napatay dahil sa ka­guluhan sa Malakanyang, subalit napag-ala­mang pinatay ito dahil sa malaki na ang pautang sa grupo ng mga vendor.

vuukle comment

ARMAND MACA

CORAL ST. DA

CRUZ

JOSE ABAD SANTOS MOTHER AND CHILD HOSPITAL

JUAN LUNA ST.

LUIS SAGUM

MANILA CITY HALL POLICE DETACHMENT

MANILA POLICE DISTRICT-POLICE STATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with